MAGKAKAROON na ng emergency cake package ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga pasyenteng nadadala sa emergency room pero hindi naa-admit.
Ayon kay PhilHealth Senior Vice President Israel Pargas, kasama na sa babayaran ng PhilHealth ang mga pasyenteng hindi na kailangang ma-confine.
Matatandaan na sa pagpasok ng taon, epektibo na ang ipinatupad na 50 percent na pagtaas sa humigit-kumulang 9,000 na health packages ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Pargas, ito ay sa kabila ng kawalan ng pondo ng ahensya ngayong taon.
Ang naturang pagtaas ay layong mapataas ang support value, mabawasan ang out-of-pocket (OOP), tataas ang financial risk protection, at matiyak ang epektibong pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan.
Kabilang sa tinaasan ang package benefits ang paggamot sa low-risk pneumonia, kidney transplant, at angioplasty.
Habang hindi naman kasama sa tinaasan ang benefit packages para sa acute stroke; high risk pneumonia, neonatal sepsis, bronchial asthma, severe dengue, ischemic heart disease – acute myocardial infarction; COVID-19, breast cancer;
Ang outpatient package para sa mental health, cataract procedure, hemodialysis, at mga konsulta.