Mga patutsada ni Cong. Teves, ayaw nang patulan ni DILG Secretary Abalos

Mga patutsada ni Cong. Teves, ayaw nang patulan ni DILG Secretary Abalos

AYAW nang patulan ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang patutsada sa kanya ni Negros Oriental Representative Arnie Teves.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na “preposterous” ang reklamo ni Teves na siya ay pinepersonal nito.

Iniugnay ni Teves si Abalos sa umano’y pagsisikap na makakuha ng search warrant sa kanyang tirahan at taniman ng ebidensya kung walang makitang iligal.

Isa sa nakikitang dahilan ni Teves sa umano’y pamemersonal ng kalihim ay ang pagkabigo nito na maiugnay siya sa e-sabong.

Iginiit naman ni Abalos na kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng isyu kaya’t ang pagkatao niya ang sasagot sa mga ibinibintang sa kanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter