HINDI alam ng mga nasa gobyerno ang totoong problema ng mga Pilipino dahil tanging inaatupag lang nito ang kung paano manglustay ng pera ng bayan.
Ito ang naging obserbasyon ngayon ni Sagip Party List Rep. at Senatorial Candidate Rodante Marcoleta.
Naging prayoridad rin ng mga ito ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte kahit walang basehan ang kanilang mga paratang.
Ang resulta, ayon pa sa kongresista, mistulang pinag-aaway na ng mga nasa gobyerno ngayon ang mga Pilipino.
Sa huli, sinabi ni Marcoleta na panahon na upang magkaroon ng tamang public servant na totoong magtatanggol sa kapakanan ng bansa.