PINAYUHAN ng Embahada ng Pilipinas at Consulates General sa United States ang mga Pilipino sa Amerika na lubos na mag-ingat.
Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga pag-atake laban sa Asian-Americans sa ilang bahagi ng Amerika, kasama na dito ang mga Pilipino.
Pinapayuhan ng embahada ang mga Pilipino na makararanas ng pag-atake na agad tumawag sa 911 para i-report ang insidente.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang Philippine Embassy sa agarang aksyon ng ilang local authorities sa Amerika para mahuli ang mga nasa likod ng mga pag-atake.
Gayunman, nanawagan pa rin ang embahada sa federal, state at local authorities na tiyakan pa ang proteksyon ng mga indibidwal na may Asian descent.