Mga Pilipino sa Japan, naglabas ng saloobin kontra sa gobyerno

Mga Pilipino sa Japan, naglabas ng saloobin kontra sa gobyerno

ANG bansang Japan ay itinuturing na pangalawang tahanan ng nasa mahigit 300,000 Pilipino.

Malayo man sila sa bansang kanilang sinilangan ay alam at randam nila ang mga nangyayari dito.

Kaya nga nang malamang may pagtitipon ang mga kapwa Pilipino sa Saitama – ay hindi na sila nagdalawang-isip pa.

Nakiisa ang mga kababayan natin sa isinagawang Hakbang ng Maisug Rally sa Saitama Hall nitong Sabado.

Gusto kasi nilang mapakinggan ang mga saloobin at hinaing ng mga Pilipino na patuloy na sumisigaw ng pagbabago sa ating gobyerno.

Ang ilan sa kanila, nakapanayam ng SMNI News at ibinahagi ang kanilang sentimyento.

“Ang tunay na estado ng Pilipinas ngayon ay natatakot sila unang-una sa pag-uwi, maraming sabi nila, ano daw po ‘yung mga ano ba lalo sa airport ganiyan ‘yung mga hindi nakakapasok, ’yung mga ano ba … lalong-lalo na sa aming mga OFW. ‘Yung sa pagkain sabi ng apo ko sa Facebook walang pagkain, walang pera, umiiyak ang bata ‘yun lang po napakasakit,” ayon kay Rizalina Suzuki, Pinoy sa Japan.

“PBBM itong pagtitipon na ito ay isang malaya hindi po para kayo ay pabagsakin gusto namin kayo ay magtagumpay sinuportahan kayo n VP Sara, sinuportahan po namin kayo, ang hangarin namin ay sana pakinggan mo ang sigaw ng sambayanan huwag kang makikinig sa mga oligarkiyang nakapalibot sayo dahil sila ang naglulublob sa atin sa kahirapan, tingnan mo ang ating bansa,” saad ni Berwin Dy, Pinoy sa Japan.

“’Yun sa naririnig ko nakakatakot na daw umuwi kasi ganun marami daw eche bureche sa Maynila ‘yung iba sa Cebu kay maganda walang ano, itong sa Maynila daw nakakatakot,” ani Mylene Akimoto.

“Nabanggit ko na kanina na malaking disappointment, ang naibigay niya sa amin nagtitiwala kami but you failed, Pres. Marcos you failed us, isang katerba na regret na binoto po namin kayo, hindi pa huli ang lahat, mas lalo lamang magiging matapang, lalaban kami para sa kapakanan ng mga Pilipino at sana lahat magiging maayos na soon kaya kung pwede baba na lang po kayo dahil ‘pag hindi po namin kaya baka ano din po ang magagawa namin sa inyo,” wika ni Layla Ozanami.

Harangan man ng sibat ay hindi na mapipigilan ang mga tagapagsalita ng Maisug Rally upang maipaabot sa mga kababayan natin sa Japan ang tunay na estado ng Pilipinas.

Mga tagapagsalita ng Maisug Rally, inilahad ang tunay na estado ng bayan

Nitong weekend ay nagsama-sama sa Japan sina dating Presidential Spokesperson Harry Roque, dating NTF-ELCAC Spokesperson Dr. Lorraine Badoy at dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez upang personal na makahuntahan ang mga Pilipino sa Japan sa ginanap na Hakbang ng Maisug Rally sa Japan.

“Well, unang-una ang importante ay maiparating natin sa mga Hapon na wala nang tiwala ang mga Pilipino sa gobyerno ni Marcos dahil ang bansang Hapon isa ‘yan sa pinakamalaking magbigay ng aid at isa ‘yan sa pinakamalaking namumuhunan sa Pilipinas at siguro kung magpapatuloy pa ang apat na taon na Marcos administration, malamang maulit muli na ang tatargetin ang administrasyon na ito sa pamamagitan ng korapsyon ay mga kumpanyang Hapon pero ‘pag pinarating natin na wala na talaga, hindi na talaga katanggap-tanggap si Presidente BBM sa Pilipinas dahil unang-una hindi tayo sigurado kung siya ay nasa tamang pag-iisip eh mag-iisip na rin ang ating mga karatig bansa na kung dapat bang suportahan si PBBM,” saad ni Harry Roque.

Sabi ni Roque, napakahalaga ng boses ng taumbayan lalo na’t tayo’y isang demokratikong bansa.

Nasa kamay nga, aniya, ng ordinaryong mamamayan ang desisyon kung dapat pa bang manatili sa puwesto ang mga nasa kapangyarihan lalo’t kung hindi naman nito ginagampanan ang tungkulin bilang isang lingkod bayan.

“Sapagkat mostly ng nasa labas ng bansa, these are bread winners they send their help, they send their support and remittances papunta ng Pilipinas at ang daing ng kanilang mga mahal sa buhay, mga pamilya nila eh ‘yung isang libo ngayon kakaunti na lang ang nabibili paliit nang paliit ang purchasing power ng ating piso and yet ang ating gobyerno hindi nararamdaman ito, manhid ang nasa pamahalaan, ayaw nila tanggapin na may deperensiya sa kanilang pamunuan kaya ang sagot nila ay ang paglapastangan sa Saligang Batas itong pekeng Charter change, itong huwad na People’s Initiative, sinususpende ang mga local officials na kinikilala ‘yung garantiya ng Saligang Batas na makapagpahayag tayo nang malaya at payapa tayong magtipong tipon. Ganito ka vindicative ang ating, wala namang masama na magpahayag ka sa iyong saloobin laban sa maling polisiya ng pamahalaan now it’s up to them if they are going to be vindictive ano ba ang pwede nilang gawin? Marami silang pwedeng gawin ang mga nasa kapangyarihan. Subalit kung tayo ay mananahimik na lamang ay sino pa ang magsasalita doon sa mga walang tinig,” Atty Vic Rodriguez.

“I know that ‘yung pagmamahal ng Pilipino wherever they are in the world that are one with us at ‘yung pagmamahal na ‘yan ay hindi mo talaga ma-question ‘yan and so I guess my message is for the ones who are in power who has this mistaken notion that they own that power that they own this country the Philippines. They think they can do whatever they please and they can do anything they want, they can violate laws, they can violate our constitutional rights the very sacred bill of rights, right to free expression, right to freedom of expression, press freedom parang with impunity with shamelessness, with brazeness they suspend local chiefs duly elected by the Filipino people kayang-kaya nilang gawin, wala silang kapasidad mahiya sa Pilipino so, my message to them is at your own peril you ignore Filipino people,” pahayag ni Dr. Lorraine Badoy.

FPRRD, posibleng hulihin ng ICC kaya hindi nakadalo sa Maisug Japan Rally—Roque

Samantala, hindi naman nakarating sa Japan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang mukha ng Hakbang ng Maisug Rally.

Ipinaliwanag naman ng kaniyang dating tagapagsalita ang dahilan kung bakit.

“Sana po makonekta tayo by internet kay Pangulong Duterte, ang tunay po niyang, ang nagustuhan sana ay makapunta dito at sasabihin ko kung bakit wala siya dito dahil ang pwersa ng kadiliman, ang mga tutol sa kaniyang polisiya na unahin muna ang interes ng mga Pilipino, hindi po nila nagustuhan ‘yan at dahil dito nais nila ipaaresto ang ating Presidente Duterte sa International Criminal Court,” dagdag ni Roque.

Hindi maituturing na paninira kundi katotohanan naman ang mensahe na dala-dala ng Maisug Rally dahil mulat na mulat na ang mga Pilipino hindi lamang sa Japan kundi sa buong mundo kung ano ang estado ng Pilipinas sa kamay ng mga nasa kapangyarihan.

Follow SMNI NEWS on Twitter