Mga Pilipino sa Japan nais nang maiuwi sa Pilipinas si FPRRD

Mga Pilipino sa Japan nais nang maiuwi sa Pilipinas si FPRRD

MATAPOS ang ginawang marching rally sa Shibuya noong Linggo, Marso 23, dumeretso sa labas ng Shinjuku Train Station ang mga Pilipinong sumuporta kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangunguna ng Republic Defenders for Peace and Unity.

Ito ay para isagawa ang kanilang stand-up rally na may panawagang “Bring PRRD home.”

Ayon sa grupo, ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay labag sa batas at wala anilang karapatan ang International Criminal Court (ICC) na panghimasukan ang bansa.

BBM resign, sigaw ng mga OFW sa Japan

Nanawagan naman ang mga Pilipino sa Japan kay Pangulong Bongbong Marcos na magbitiw na ito bilang pangulo ng Pilipinas.

Mga OFW sa Japan, nagpaabot ng pagbati sa nalalapit na kaarawan ng FPRRD

Nagpaabot naman ng mensahe para sa nalalapit na kaarawan ni dating Pangulong Duterte ang grupo.

Sa huli ay nag-alay ng kanta ang mga OFW kay dating Pangulong Duterte tanda ng kanilang pagmamahal at suporta rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble