Mga Pilipino sa Sarawak nagpasalamat sa isinagawang consular outreach mission ng embahada

Mga Pilipino sa Sarawak nagpasalamat sa isinagawang consular outreach mission ng embahada

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mga Pilipino sa isinagawang consular outreach mission ng embahada ng Pilipinas sa Kuching.

Matapos ang halos 3 taong paghihintay dahil sa COVID-19 pandemic, mainit na tinanggap ng Filipino community sa Sarawak ang pangkat ng Embahada ng Pilipinas na nagsagawa ng regular na consular outreach mission noong Setyembre 26-30, 2022.

Nauna nang inanunsyo ng embahada ang pagsasagawa ng consular outreach mission nito sa Kuching at ang pagpapatupad ng appointment system at iba pang standard operating procedure bilang pagsunod sa health at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa pahayag ng embahada sa Facebook page nito, nakapagbigay ang mga ito ng 675 na serbisyo kabilang ang e-passport applications, notarial, and civil registry services.

Nagsagawa rin ang embassy team ng information dissemination campaign sa mga miyembro ng komunidad na humingi ng payo sa embassy team sa iba’t ibang consular at iba pang usapin.

Gayunpaman, ang regular na consular outreach mission sa Sarawak ay naaayon sa pangako ng embahada na paglingkuran ang lahat ng komunidad ng Pilipino sa loob ng pamamahala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga consular outreach mission sa pagpapagaan ng mga paghihigpit sa COVID-19.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang ilang Pilipino sa isinagawang consular outreach mission ng embahada.

Samantala patuloy pa ring sinisikap ng SMNI News Malaysia na malaman ang susunod na consular outreach mission sa estado ng  Sarawak.

Follow SMNI NEWS in Twitter