‘TOP sellers’ at ‘top consumers’ ng secondhand fashion items o ukay ang mga Pilipino sa buong Southeast Asia.
Ayon ito sa online classifieds marketplace na Carousell.
Sa katunayan, mula Pilipinas ang 30 percent sa regional transactions ng secondhand fashion items at madalas pa nito ay women’s fashion.
Sa mga Pinoy seller ay tinatayang bawat isa sa kanila ay nasa P39K ang nagiging kita mula sa secondhand sales ngayong taon.