MAHIGIT 10 milyong indibidwal sa bansang Afghanistan ang walang tirahan, ang iba naman ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Ito ay ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).
Base sa datos at pag-aaral ng UNHCR, ang Afghan refugees ang pangatlo sa pinakamalaking bilang ng mga populasyon na walang tirahan- una nito ay mga Syrian at sumunod ang Ukrainian refugees.
Ang patuloy na pagdami ng refugees sa ibang bansa ay dahil sa nararanasang kaguluhan, karahasan, at kahirapan sa kanilang lugar.
Nito lang Martes Agosto 20, naglabas ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) patungkol sa kanilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng Estados Unidos na tanggapin ang Afghan refugees dito sa Pilipinas.
Base sa pahayag ng DFA, nagkaroon ng kasunduan ang gobyerno ng Pilipinas at ang Estados Unidos na dito ipo-proseso ang Special Immigrant Visas (SIVs) ng Afghan refugees.
Ngunit sang-ayon kaya dito ang ating mga kababayan?
“Dapat kinokonsulta muna ‘yan sa mga mamamayan bago pagdesisyonan na tanggapin kasi diyan ang mga terrorist nagtatago eh”
“Eh buhay nga ng mga Pilipino naghihirap tapos mag-aampon pa tayo ng mga dayuhan di ba? Hindi pa nga naaayos ang buhay ng mga Pinoy mag-aampon pa tayo ng dayo eh anong mangyayari?”
“Ay hindi pupwede ‘yon kasi siempre biruin mo kung tayong mga Pilipino nga hindi maayos ng gobyerno natin, unahin nya muna tayo bago ‘yong ibang bansa, hindi dapat mangyari ‘yong ganon.”
“Hindi pwede ‘yon, talagang magpa-panick na tao, dapat kasi tayo ang nakatira dito eh dapat tayo ang una nilang i-consider na intindihin bago ang ibang bansa.”
“Tama naman po ‘yon na dapat mas inuuna nila ‘yong dito sa atin sa Pilipinas bago ang ibang lugar.”
“Siempre parang hindi po sang-ayon, hindi po ‘yon tama talaga kasi ‘yong concern nga po dito sa atin eh hindi po napa-prioritized.”
“Dito Titira?!”
“Kami nga tag-hirap na tapos gaganyanin pa eh lalong maghihirap ang mga Pilipino nito.”
“Dahil andami ditong naghihirap dapat ‘yan ang unahin nila.”
“Kasi kung titira sila dito e ‘di mas lalong lalaki ang populasyon dito sa Pilipinas, hindi na nga masosulusyonan mga problema dito magdadagdag pa sila ng problema di ba? Oo ‘wag sana tanggapin kasi mas lalong dadami dito eh buti sana kung makakatulong.”
“Kung sa akin ba’t tatanggap pa sila ng dayuhan, hirap na nga tayo, mahirap na nga tayo dito sa Pilipinas, kawawa ang mga pobre hindi na nga nila matustusan.”
Ang iba naman sa ating mga kababayan ay natatakot dahil baka magdulot lang ito ng gulo dito sa ating bansa.
Habang ang iba naman ay nagsasabi na bakit magdadagdag pa tayo ng dayuhan gayong hindi nga natin madisiplina ang ibang mga dayuhan na nauna ng nandito sa bansa.
“Hindi, kasi ‘yong China nga pinapaalis natin tapos tatanggap ka pa ng terrorist country di ba?”
“Oo dapat ayusin muna kasi mahirap ‘yon hindi pa nga tayo ayos eh magpo-problema pa sila diyan sa ibang lahi, ‘yan Pilipino nga hindi mo madisiplina ‘yan pa kaya di ba? Eh kung sa kanila nga hindi nila madisiplina ‘yan eh o di ba? Kapwa mo nga Pinoy hindi mo madisiplina tapos didisiplinahin mo ‘yong ibang bansa, mahirap ‘yan ‘yong Chinese nga hirap kang disiplinahin dito eh.”
“Magulo ‘yan.”
“Siempre di ba ano ‘yan eh Afghanistan ‘yan di ba? Mga ano ‘yan mga terorista karamihan diyan.”
Para naman kay Atty. Marlon Bosantog, National Coordinator ng Indigenous Peoples Right and Advocacy (IPRA) Center, bakit ito tinanggap ng Pilipinas? At bakit ito ibinigay ng Estados Unidos sa ating bansa?
“For me kasi we have to reiterate that we understand if they are really refugees where coming from and probably they’re coming from a lot of economic operation or their rights are being oppressed and we commiserate but we try to understand the rational behind the decision as to why it has to be in the Philippines? Bakit hindi sa iba? Is there an issue of safety and security? At bakit ipapasa ng US ‘yan sa Pilipinas and anong consideration as to why the executive department actually accepted that kind of proposal?” wika ni Atty. Marlon Bosantog, National Coordinator, Indigenous Peoples Right and Advocacy (IPRA) Center.
Afghan refugees, mayroong security risk kaya hindi naaprubahan ang visa sa Amerika─int’l relation scholar
Ngunit para kay Ms. Sass Rogando Sasot, isang international relations scholar na hindi malinaw kung ano ang status ng nasabing Afghans.
“If you’re a refugee, you’re welcome to come here, but these are not refugees. These are applicants of the U.S. Special Immigrant Visa. Those two are different. So, it’s unclear what their status is when they arrive in the Philippines. Are they tourists? Are they refugees?” ayon kay Sass Rogando Sasot, International Relations Scholar.
Binigyang-diin niya na magiging mas mahirap para sa gobyerno ng Pilipinas kung hindi aaprubahan ng U.S. ang mga visa ng mga Afghan dahil sa ganitong sitwasyon, mananatili ang mga Afghan sa ating bansa.”
“What will happen now if the United States does not approve their visas? They are now our refugees. Do you get it? So, those that the U.S. doesn’t want, they can now apply in the Philippines, and you cannot turn them away,” giit ni Sasot.
Para kay Sass, malinaw na hindi maaasahan ang mga refugees na ito at nagdudulot sila ng banta sa seguridad dahil kung wala namang problema, bakit hindi inaprubahan ng U.S. ang kanilang mga visa?
“There is a lot of deceit because maybe a lot of these people pose security risks. Now they are being brought here because if they weren’t a security risk to the United States, they could have hosted them in Guam,” pagtatapos nito.