Mga Pilipinong apektado ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, nadagdagan

Mga Pilipinong apektado ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, nadagdagan

SA naitalang datos ng Philippine Embassy sa Israel, ang mga biktima sa missile attack na galing Iran ay umabot na sa pitong sugatan, isa ang nasa kritikal na kondisyon, isa ang nasa moderate na kondisyon, at lima naman ang na-discharge.

Filipino victims of Iran’s Missile attacks in Israel as of 15:00H, June 17, 2025 | Day 5 of Operation Rising Lion.

Injured – 7

Critical – 1

Moderate – 1

Discharged – 5

Nasa 49 naman ang mga Pilipinong nawalan ng tirahan.

Sa kasalukuyan, mahigit tatlong libong Pilipino ang naninirahan sa Israel. Mula Oktubre 7, 2023 hanggang Hunyo 12, ngayong taon, nasa mahigit isang libo’t tatlong daan pa lang ang na-repatriate sa mga ito at nasa isang daan at limampu ang mga nag-request ng repatriation, habang dalawampu’t anim naman ay ire-repatriate na.

Samantal, nasa animnapu’t tatlo (63) naman ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong may nakalaang assistance mula sa pagbibigay ng pansamantalang tirahan hanggang sa mga relief package na naglalaman ng mga pagkain, damit at mga gamit para sa kalinisan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter