Mga Pilipinong may kontribusyon sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at China, kikilalanin sa APPCU

Mga Pilipinong may kontribusyon sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at China, kikilalanin sa APPCU

SA ikatlong pagkakataon, muling kikilalanin ang mga Pilipino na may mahahalagang kontribusyon sa pagpapalakas ng ugnayan at mutual understanding sa pagitan ng Pilipinas at China sa Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU).

Gaganapin ngayong Hunyo 8 sa Manila Hotel, kabilang sa mga bibigyang parangal ay ang mga APPCU Hall of Fame awardees na sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Special Envoy of the President to the People’s Republic of China, Ambassador Carlos Chan.

Ang mga paparangalan naman para sa APPCU Outstanding Contributions ay sina Ambassador Rigoberto D. Tiglao, isang kolumnista at dating Philippine Ambassador to Greece and Cyprus, at si Dr. Jaime T. Cruz, dating Special Envoy to the People’s Republic of China, Trade and Investments.

Nasungkit naman nina Regina Rosa D. Tecson, Satellite Office Director ng Office of the Vice President sa Davao City, at Jose Ong Tajan, dating presidente ng APPCU Baguio at dating chairman of the Filipino-Chinese Chamber of Commerce of Baguio City ang parangal para sa Major Contributions category.

Ayon sa APPCU committee, ang nasa 30 indibidwal na nominado ang sumailalim sa tatlong rounds ng selection process hanggang humantong sa anim na indibidwal na paparangalan.

Naniniwala naman ang komite na sa pamamagitan ng APPCU ay mas pagtitibayin pa ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Follow SMNI NEWS in Twitter