MATINDING pinsala sa kabahayan, agrikuktura, at mga ari-arian ang iniwan ng hagupit ng Bagyong Julian.
Pero hindi pa man nakakarekober ang ating mga kababayan mula sa pananalasa ng nasabing bagyo, sunod-sunod na nanalasa ang mga bagyong Kristine at Leon sa bansa nitong Oktubre.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, lumobo sa bilyun-bilyong pisong halaga ang iniwang pinsala ng mga dalawang bagyo sa agrikultura at imprastraktura.
Tinatayang mahigit sa 8 milyong katao o mahigit sa dalawang milyong pamilya ang apektado ng mga ito.
Marami sa ating mga kababayan partikukar na ang mga mangingisda at magsasaka ang apektado ang kabuhayan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, malaki ang epekto ng tatlong bagyo sa employment at unemployment rate sa bansa.
Lumobo sa 3.9% ang unemployment rate nitong Oktubre mula 3.7% noong Setyembre.
Katumbas iyan ng 1.97 milyong Pilipino na walang trabaho noong Oktubre na mas mataas kumpara sa 1.89 milyon noong Setyembre.
‘’May mga kababayan tayo na hindi nakahanap ng trabaho o di kaya hindi sila nagparticipate sa labor market because of the typhoon,’’ ayon kay Usec. Dennis Claire Mapa.
‘’The typhoon in a way contributed doon sa pagparticipate ng ating mga kababayan sa labor market at yung paghahanap ng trabaho,’’ saad nito.
Sa datos ng PSA, bumaba sa 96.1 percent ang employment rate nitong Oktubre mula 96.3 percent noong Septyembre.
Ibig sabihin ayon sa PSA, nabawasan ng 1.7 milyong Pilipino na may trabaho nitong Oktubre kumpara noong Septyembre.
‘’Ang sektor na may pinakamalaking pagbaba sa employment rate ay ang pangingisda,’’ ani Usec. Mapa.
‘’Mayroon tayong decreased in employed persons quarter on quarter dito sa fishing and aquaculture. Ang nakikita namin talaga ay itong mga bagyo. Syempre, cautious ang ating mga fisherfolks na lumabas ano beacuse of the storms,’’ saad nito.