Mga Pilipinong walang trabaho noong November 2024, nasa 1.66-M ─PSA

Mga Pilipinong walang trabaho noong November 2024, nasa 1.66-M ─PSA

BAHAGYANG may pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Nobyembre ng 2024.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, naitala ang 3.2% na unemployment rate sa nasabing buwan.

Katumbas iyan ng 1.66 milyong Pilipino na walang trabaho noong Nobyembre na mababa kumpara sa 1.97 milyon noong Oktubre.

Nadagdagan naman ang bilang ng mga may trabaho sa nasabing buwan.

‘’Usually ang ating last quarter, yung tatlong buwan na iyan, may pagtaas tayo doon sa accomodation services, restaurants, of course yung mga key inputs nito like food products,’’ ayon kay Usec. Dennis Mapa.

Sektor ng agrikuktura, may pinakamalaking pagbaba sa employment na aabot sa 2-M Pilipino -PSA

Bagama’t nadagdagan ang mga Pilipinong may trabaho dahil sa ber months, may mga industriya pa rin na naitalang may malaking pagbaba ng bilang ng may trabaho o negosyo noong Nobyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang isa sa mga pangunahing industriya na may pinakamalaking pagbaba sa employment noong November 2024 ay ang agrikultura at forestry.

Kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong 2023, may bawas na dalawang milyong Pilipino sa employment ng sektor ng agrikultura.

Major industries with largest drop in employment:

Agriculture and forestry

10.71 million             8.71 million

November 2023     November 2024

‘’Noong buwan ng Nobyembre kung saan nagkaroon kung saan nagkaroon tayo ng Labor Force Survey, kung maalala ninyo lima yung typhoons na pumasok sa ating bansa mula November 1 hanggang November 18. And this actually affected yung ating nga farmers and fisherfolks. Kasi ito yung sektor na may malaking bawas,’’ ani Usec. Mapa.

Kabilang sa may pagbaba sa employment ayon sa PSA ay ang mga magmamais, mga magsasaging, at mga rice farmer.

Malaki rin ang bawas sa bilang ng mga may trabaho at negosyo sa fishing at aquaculture na apektado rin ng mga nagdaang bagyo nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble