Mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa, mahigit 8,900 na

Mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa, mahigit 8,900 na

BONUS OFFER

UMABOT na sa 8,974 mga Pinoy ang nadapuan ng COVID-19 mula sa 65 na bansa at rehiyon sa ibayong-dagat.

 

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon Hulyo 16, nadagdagan pa ng 59 na Pinoy ang nagpositibo sa virus.

 

Tinatayang 3,020 sa mga kaso ay active cases at patuloy na nagpapagamot.

 

Nasa 5,321 naman ang naka-recover sa sakit habang umakyat sa 633 ang pumanaw na Pinoy abroad bunsod ng COVID-19.

 

Pinakamaraming kaso ay naitala sa Middle East at Africa at sinundad ng Europa.

 

Tiniyak naman ng DFA na kanilang tinututukan ang lagay ng Pinoy sa ibang bansa at nakahanda itong magbigay ng assistance sa mga kababayang apektado ng pandemya.

 

Inter-Agency Task Force upang matugunan ang OFW concerns, nirekomenda

 

Hinimok ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Foriegn Affairs (DFA) na bumuo ng Inter-Agency Task Force na tututok sa pagtugon sa iba’t ibang OFW concerns.

 

Ayon sa mambabatas, ito ay upang magkaroon ng mas maayos at mas mabilis na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.

 

Partikular na sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng OFWs lalo ngayong pandemya.

 

Ani Cayetano, nagkaroon na noon ng nasabing task force ang DFA at maaari na lamang itong muling buhayin.

 

Nagpasalamat naman ang House Speaker sa DFA at DOLE sa pagtalima sa panawagan ng mga distressed OFWs na makauwi sa bansa.

 

SMNI NEWS

Infinix

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.