SALOT na CPP-NPA-NDF, naging dahilan sa isang Pinoy para makipagsapalaran sa bansang Belgium.
Ang kaniyang hindi malilimutang karanasan mula sa rebeldeng terorista ay kaniyang personal na ibinahagi sa SMNI.
Kung kayo ay nasa Ostend Belgium, ay hindi kayo maho-homesick.
Dahil may isang Filipino restaurant sa lugar na hatid ang authentic na panlasang Pinoy.
Ngunit, hindi lamang mga Pinoy ang nahuhumaling sa pagkain ng Pot Mami Restaurant.
Dahil pati mga banyaga ay suki nila araw-araw.
Ngunit sa kabila nito, may malalim na rason kung lumipat sa Belgium ang mga may-ari ng Pot Mami.
Ang dahilan? Ang komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.
Kwento ni Bong Fernandez, dekada 70 nang paslangin ng mga NPA ang kanyang ama.
Ang noo’y Mabalacat Pampanga Mayor Ben Fernandez.
“Hindi man siya nagtagal [at] na-ambush siya. Ginamit talaga siya ng mga ano, ng mga Aquino sa Tarlac. Kasi Tarlac sila noon eh,” Bong Fernandez, Owner, Pot Mami Restaurant.
At paano nagamit ng mga Aquino ang kanyang pinaslang na ama?
Salaysay ni Bong, sa pamamagitan ng pagpupuslit ng mga armas.
Mga armas para isuplay sa NPA.
‘Si Papa ang naging ano, ang ginamit. Noong ang mga armas na ‘yun ay nalabas tapos nagkaroon ng, pagkaintindi ko nagkaroon ng meeting sa Malacañang. Ngayon si Aquino, nasuplayan ng mga sophisticated na mga armas ng mga time na yun,” dagdag pa ni Bong.
“Naipamahagi sa lahat ng mga rebelde,” aniya pa.
Paglalahad pa ni Bong, ang kanyang yumaong ama ay kumpadre ni dating Senador Benigno Aquino.
“Noong magkaroon ng meeting si Benigno Aquino dahil naging kumpadre ng Papa ko yan. Noong magkaroon sila ng meeting kay Ferdinand Marcos Sr. nakita yung mga armas na malalakas na. Trinace kung kanino nanggaling. Ang pagkaka-alam ko si Papa rinaid,” aniya pa.
Ang buong akala ni Bong at ng kanyang pamilya na ang mga Marcos ang nagpatumba sa kanyang ama.
Ngunit dahil sa SMNI at sa programang Laban Kasama ang Bayan, doon nila napagtagpi-tagpi ang katotohanan.
At ito ang dahilan kung bakit sila nagpakalayo sa Pilipinas ng mahigit 30 taon na sa ngayon.
Hanggang sa mapadpad sa Belgium.
“Ang masakit lang sa amin na siya pala ay ginamit lang? Ang pagkaintindi ko during that time ang tumira ay mga Marcos that time. Pero hanggang naging maliwanag sa’kin, sana matulungan ako kung sinuman during that time 1971. Noong pagkapatay ni Papa, deklarang martial law agad,” ayon pa kay Bong.
Lumayo rin ito sa kaniyang pamilya sa Pinas dahil hindi nito maatim ang kahirapang dulot ng NPA sa kanilang lugar.
Kasama na ang pangamba na baka balikan sila ng mga pumaslang sa kanyang ama.
Nagpasalamat naman ang pamilya ni Bong sa pamahalaan lalo na sa Duterte administration, nagpasimula sa mahigpit na kampanya kontra insurhensya.
At sa SMNI, na nagbigay sa kanila ng lakas ng loob para magsalita sa isyu ng insurhensya.
At ikuwento ang kanilang karanasan mula sa communist terrorist group.
Sa SMNI ume-ere ang programang Laban Kasama ang Bayan ng butihing si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang programa, naka-sentro sa information dissemination kontra insurgency.
“Sana, itong programang ito mag-triple triple. Sana magkaroon ng sister company (sigurado yan),” aniya pa.
Panawagan naman ng mga Pinoy sa Belgium sa ibang media networks sa Pilipinas na sana’y iwasan ang palagiang paglalabas ng mga masamang balita sa bansa.
Dahil ito ang napipick-up ng mga banyaga kung saan sila nakatira kaya palaging negative ang tingin sa Pilipinas dahil palaging pangit ang kanilang napapanood na balita.
“Lagi naming sinasabi that is paid media. That is biased, yung ganyan, lagi naming sinasabi lagi naming ini-explain kahit sa mga kliyente dito (inaudible). You don’t know what is going on to the Philippines but we know,” saad pa ni Bong.