Mga Pinoy, pinayuhan ng BI kaugnay sa pag-apply ng trabaho sa Lebanon

Mga Pinoy, pinayuhan ng BI kaugnay sa pag-apply ng trabaho sa Lebanon

MAHIGPIT ang paalala at nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Filipinong nais magtrabaho sa Lebanon na mag-ingat sa inaaplayang trabaho sa naturang bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na huwag maniniwala sa mga trabahong nag-aalok ng malaking suweldo na ikapapahamak ng mga aplikante lalo na at ilegal ang mga proseso.

Binigyang-diin ni Tansingco na huwag tanggapin ang anumang job offers sa Lebanon dahil sa matinding panganib sa kanilang kaligtasan at pagkatao, ang pinakamahalaga aniya ay ang kaligtasan.

Patuloy rin aniya ang repatriation ng pamahalaan sa mga Filipino na nasa Lebanon na ayon sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay may 273 distressed Filipino ang napabalik na sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble