Mga Pinoy sa Brooklyn, New York, pinag-iingat matapos ang isang shooting incident

Mga Pinoy sa Brooklyn, New York, pinag-iingat matapos ang isang shooting incident

PINAALALAHANAN ng Philippine Consulate sa New York, USA na mag-ingat ang lahat ng Pilipino kasunod sa nangyaring shooting incident sa Brooklyn.

Kabilang dito ang pag-iwas muna ng mga Pilipino na pumunta sa 36th Street Station, Sunset Park habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Inabisuhan din na ipagbigay alam sa mga otoridad mula Pilipinas ang kanilang kalagayan sakaling kasama ito sa mga nasugatan.

Ayon sa otoridad sa Brooklyn, nakasuot ng mask canister ang suspek bago sinimulan ang pamamaril.

Nagresulta ito ng pagkasugat sa labing anim katao.

Follow SMNI NEWS in Twitter