KINUMPIRMA ng isang overseas Filipino sa Croatia na ikakasa nila ang isang global campaign na tinatawag na OFW Zero Remittance Week.
Magsisimula ito sa Marso 28, 2025, kasabay ng ika-80th birthday ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Paraan ito ng mga OFW upang ipakita ang kanilang hindi pagsang-ayon sa naging trato ng kasalukuyang administrasyon sa dating Pangulo.
Panawagan nila na iuwi na sa Pilipinas si FPRRD, na kasalukuyang nasa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Magtatagal ang OFW Zero Remittance Week hanggang Abril 4, 2025.
Follow SMNI News on Rumble