SA panayam ng SMNI News, binigyang-diin ni Alvin Dave Sarzate, isang estudyante at Overseas Filipino Worker (OFW) sa Netherlands na ilan sa ating mga kababayan doon ay nagtungo sa paliparan para salubungin ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito’y habang ang iba naman ay agad na nagtungo sa International Criminal Court (ICC) para ipakita ang kanilang pagkakaisa.
Aniya, lungkot ang kanilang nararamdaman sa sitwasyon ni dating Pangulong Duterte at umaasa silang makakauwi ito sa Pilipinas.
“Well it’s sad to begin with at the same time ‘yung dati Pangulo natin na hopefully he will have the opportunity to go back to the Philippines because what he experienced is a form of oppression. That’s how I see it. And there are a lot of things that needs to be settled legal wise. And he deserves the due process which is accorded to everyone,” pahayag ni Alvin Dave Sarzate, OFW sa Netherlands.
Para kay Sarzate, malaking bahagi ang kanilang pagtitipon dahil naipakita nila ang kanilang pagmamahal at suporta kay Duterte.
Gayunpaman, sinabi niyang may ilang mamamahayag na may kritikal na pananaw sa dating Pangulo kaya’t kinakailangan nilang ipaliwanag ang kanilang panig para maitama ang ilang paniniwala laban dito.
“I think it’s in the negative because minsan ‘pag nagtatanong sila, the premise is already very critical of the former President. So that’s why you need to sometimes address it and try to go on a discourse with them, exchange thoughts with them, and clarify certain things that perhaps para sa kanila’y, it’s already a controlling narrative that you need to address. Very critical ‘yung approach talaga nila for the Former President,” ani Sarzate.
Ibinahagi rin ni Sarzate na maraming Pilipino ang humanga kay dating Pangulong Duterte dahil sa pagiging isang ama ng bayan at sa pagiging matatag sa pagtupad ng kaniyang mga pangako, lalo na sa seguridad ng kababaihan at kabataan.
Aniya, hindi matatawaran ang pagmamahal ni Duterte sa bayan.
“Because his one of the factor na talagang nagbigay sa akin ng reason to really support him, his show of he’s a fatherly figure talaga na once he promised on something din he deliver. And he looks after the safety of, especially women and children,” aniya pa.
Sa kabila ng lahat ng ito, iginiit ni Sarzate na maraming Pilipino ang naglaan ng kanilang oras at sinadyang lumiban sa trabaho para dumalo sa pagtitipon. Ito’y bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa dating Pangulo ng bansang Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble