Mga Pinoy sa Taiwan, ligtas sa pagtama ng magnitude 6 na lindol doon

Mga Pinoy sa Taiwan, ligtas sa pagtama ng magnitude 6 na lindol doon

WALANG nasawi o nasugatan sa mga Pinoy na nasa Taiwan nang tumama ang magnitude 6.0 na lindol doon nitong Martes, Enero 21, 2025.

Batay ito sa ulat ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Inamin ng mga Pinoy doon na ramdam nila ang pagyanig habang nasa trabaho.

Nangyari ang naturang pagyanig, 12:17 ng hatinggabi nitong Martes.

Ayon sa Taiwan Central Weather Administration, sentro ng lindol ang timog-silangang bahagi ng Chiayi County Hall.

Sa pinakahuling ulat, 27 katao ang dinala sa ospital dahil sa minor injuries.

Mabuti na lang at walang naitalang nasawi mula rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble