MAGSISILBING commander ng bagong special task force sa Negros Island ang mga pinuno ng PNP, AFP, at NBI.
Sa ilalim ng Administrative Order 6 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., magsisilbing commander ang 3 ahensiya para sa implementasyon ng peace and order sa buong isla ng Negros.
Sa kabilang banda, inaatasan din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpaabot ng emergency relief assistance sa mga pamilya ng mga biktima na nasawi sa Degamo massacre.
Habang tutulong din ang Department of Health (DOH) para sa pagbibigay ng psychological rehabilitation sa mga apektadong indibidwal.
Ipinag-utos din ng Pangulo ang maigting na koordinasyon ngayon ng Presidential Assistant for the Visayas na makipag-ugnayan sa task force sa pagpapatupad ng mandato ng grupo.
Matatandaang sa huling update ng Degamo massacre ay ang pagkakahuli kay Marvin Halaman Miranda na pangunahing mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at 8 iba habang patuloy ang imbestigasyon sa nagpapatuloy na pagtukoy sa iba pang sangkot sa nasabing krimen.