MGA plantasyon ng marijuana sa Benguet at Kalinga nakubkob ng awtoridad.
Aabot sa P10M halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Brgy. Tinglayan sa probinsiya ng Kalinga.
Ayon sa report ng Kalinga Police Station, tinatayang aabot sa 50,000 fully grown marijuana ang kanilang nakita sa nasabing lugar.
Samantala, kaugnay nito natunton naman ng Benguet Police Provincial Office ang mga plantasyon ng marijuana sa dalawang lugar sa naturang lalawigan.
Ayon sa Benguet police tinatayang nasa 2,600 na fully grown marijuana na nagkakahalaga ng aabot sa mahigit 500,000 piso ang kanilang nadiskubre sa mga lugar ng Sitio Legleg, Barangay Palina, at Sitio Laceb, Brgy. Tacadang sa Kibungan Benguet.
Habang nasa halos 2,000 naman na fully grown marijuana na nagkakahalaga ng aabot sa mahigit P300K ang nadiskubre sa Sitio Lepsik at Sitio Tamangan, Brgy. Kayapa sa Bakun Benguet.
Ayon sa mga awtoridad ang mga nakumpiskang marijuana ay agad na sinunog matapos ang ginawang dokumentasyon at pagkuha ng samples wala naman silang nahuling suspek kaugnay sa operasyon.