Mga police, fire, at jail personnel, maaaring magsuot ng maninipis na mga uniporme ngayong tag-init—DILG

Mga police, fire, at jail personnel, maaaring magsuot ng maninipis na mga uniporme ngayong tag-init—DILG

MAAARING magsuot ng mas manipis o komportableng uniporme ang mga police, fire, at jail personnel sa gitna ng nararanasang “dangerous level” na heat index sa bansa.

Ayon ito sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang hakbang ay para maiwasan ang heat-related illnesses gaya ng heat cramps at heat stroke.

Nauna nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot pa hanggang kalagitnaan ng buwan ng Mayo ang nararanasang matinding init sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble