Mga politiko at opisyal ng gobyerno, dapat walang droga sa katawan—Atty. De Alban

Mga politiko at opisyal ng gobyerno, dapat walang droga sa katawan—Atty. De Alban

DAPAT walang ilegal na droga sa katawan ang sinumang politko o opisyal ng gobyerno.

Ito ang tinuran ng independent senatorial aspirant na si Atty. Angelo De Alban sa panayam ng SUKATAN, kakasa ka ba? Senatorial Interview sa SMNI.

Kaugnay ito sa tanong kung pabor ba siyang sumailalim sa mandatory drug testing at voluntary drug testing ang mga opisyal ng pamahalaan sa ngalan ng malinis pagsiserbisyo sa bayan.

Naniniwala ang abogado na may malaking epekto sa pag iisip, pagpaplano at desisyon ng isang politiko kung nakadroga ito na magdudulot ng kapahamakan sa mga Pilipino.

Giit ni de Alban, hindi lang sa mga tumatakbong kandidato dapat na sumailalim sa drug test kundi maging ang mga aktibo ring public servants.

Sa Kamara sa ilalim ng House Bill 10744 na ipinasa ni Congressman Paolo Duterte, dapat na sumailalim sa drug test sa pamamagitan ng paggamit ng hair follicle ang lahat ng kandidato/politiko at opisyal ng gobyerno kasama na ang presidente para matiyak na nasa maayos na katinuan ang namumuno sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble