Mga politikong makikisawsaw sa pamamahagi ng fuel subsidy, binalaan

Mga politikong makikisawsaw sa pamamahagi ng fuel subsidy, binalaan

NAGBABALA ang Commission on Elections (COMELEC), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa mga politiko na nakikisawsaw sa pamamahagi ng fuel subsidy ngayong panahon ng kampanya.

Ginawa ang babala sa press briefing sa Camp Crame kaugnay sa paghahanda sa seguridad sa eleksyon.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, kakasuhan ang mga politikong mahuhuling namamahagi ng fuel subsidy.

Iginiit ni Jimenez na tanging mga otorisadong ahensya ng gobyerno lang ang maaring mamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle operators at drivers at hindi kung sino-sinong politiko.

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año na aabot sa 1.2 milyong tricycle operators at drivers ang makakakuha ng fuel subsidy batay na rin sa ipinadalang listahan ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa.

Kaugnay nito, siniguro ng PNP na babantayan nila ang distribusyon ng fuel subsidy upang matiyak na hindi ito magagamit sa pangangampanya ng mga politiko.

BASAHIN: Pamamahagi ng fuel subsidy ng LTFRB, ipagpapatuloy na

Follow SMNI News on Twitter