Mga presidential candidate, ‘di na sana kailangang magtalo sa no.2 kung sumali sa SMNI Debate – Pastor Apollo

Mga presidential candidate, ‘di na sana kailangang magtalo sa no.2 kung sumali sa SMNI Debate – Pastor Apollo

HINDI na kailangan pang magtalo sa ika-dalawang puwesto ang mga presidential candidate kung sumali ang mga ito sa SMNI Presidential Debate sa Okada Hotel.

Ito ang naging sagot ni Pastor Apollo C. Quiboloy hinggil sa nangyaring joint press conference nina Mayor Isko Moreno, Sen. Ping Lacson at former Defense Sec. Norberto Gonzales kung saan nagpasaring ang mga ito kay Vice President Leni Robredo.

‘’Yan nga ‘yong sinasabi ko sa inyo, hindi kayo nag-attend ng SMNI Debate kaya hindi kayo umusbong. Hindi kayo pinagpala. In-snob pa ninyo tapos nagbilin pa kayo ng masakit na salita. ‘Yong isa nagsabi na, “ano, mas banal ako diyan kaya hindi ako pwede riyan. May kaso ‘yan.” ‘Yon naman isa, “may nanunuod ba niyan?”‘Yon namang isa, busy. ‘Yon namang isa, ayaw kasi may in-endorse na raw ako. Kahit nag-endorso ako, baka noong mga panahon ‘yon, binigyan ko rin kayo ng pagkakataon,’’ ayon kay Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, malaki sana ang maitutulong ng SMNI sa mga nasabing kandidato upang maipaliwanag ang kanilang mga plataporma.

Magugunitang ibinunyag ng tatlong kandidato sa nasabing presscon na pina-aatras sila ni VP Leni.

Kinuwestyon din ng butihing Pastor ang COMELEC kung nasilip na ba nila ang sinasabi ng tatlong kandidato.

‘’May inamin si Senator Lacson na in-offer-an daw siya ng pera ni Leni. ‘Yong iba rin, mayroon din. Si Isko, nagsabi rin. In-offer-an ng pera. Hindi ba ‘yan tingnan ng COMELEC? Hindi ba bawal ang vote buying ngayon? Ngayon, binibili sila para mag-withdraw. Pera ang dahilan. Political season ‘to dapat mapanagot ito siguro. Kasi, kung pagbibili ng boto, bawal. Itong pagbibili ng kandidato, lalong bawal, di ba? Para mag-withdraw. Kahit mag-withdraw pa. Ang sa inyong akala ‘yong mga boto noong mga nag withdraw, pupunta lahat kay Robredo? Hindi. Baka pupunta pa kay BBM ‘yon. Kung mag withdraw naman si pinapa withdraw ni Isko, si Leni, kung mag wi-withdraw naman si Leni, ang lahat ba ng boto, pupunta kay Isko? Hindi rin. Baka pupunta ‘yon kay BBM na,’’ paliwanag ng butihing Pastor.

Naniniwala si Pastor Apollo na nagdadala lamang ng kalituhan ang nasabing joint press conference dahil nangunguna pa rin si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa mga survey.

Follow SMNI NEWS in Twitter