Mga pribadong ospital sa PhilHealth: Bayaran na ang nasa P6B utang nito sa kanila

Mga pribadong ospital sa PhilHealth: Bayaran na ang nasa P6B utang nito sa kanila

IBINAHAGI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang alok na bagong health packages para sa 2025.

Sa kabila anila ng zero subsidy ay may sapat na pondo umano ang ahensiya para tustusan ang health benefits ngayong taon.

Pero ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) nagpahayag naman ng kanilang pangamba dahil sa humigit-kumulang P6B na claims na hindi pa nababayaran ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.

“These unpaid claims put private hospitals in a high financial risk especially now that the new hikes will be put into motion. These will make also add more strain to the financial stability if those unpaid claims remain unaccounted for,” pahayag ni Dr. Ricardo Adriano, Board of Director, Private Hospitals, Association of the Philippines Inc.

Dagdag pa ng PHAPI—dahil din sa zero subsidy na ibinigay ng Kongreso sa health insurer hindi lang higit-kumulang labing anim na milyong Pilipinong indirect contributors ang maapektuhan kundi maging ang mga pribadong ospital.

“Let this be an emergency call to PhilHealth to expedite the payment of unpaid claims since COVID times and must doubly work to coordinate and support the Philippine hospitals for 2025,” dagdag ni Adriano.

“On our part, our commitment to PHAPI is to reconcile with them as so what claims composed these 5-billion peso worth of claims,” saad ni Atty. Eli Dino Santos, Executive Vice President, Philippine Health Insurance Corporation.

“Mayroong ongoing reconciliation ng claims. Year 2024 we embark on the claims reconciliation. Hinahanap po ito. Saan na ba ang mga claims na ito?” wika ni Renato Limsiaco Jr., Senior Vice President, PhilHealth, Fund Management Sector.

Oras na malaman ang estado ng claims na ito ayon sa PhilHealth ay agad namang babayaran ang dapat bayaran.

Buong management ng PhilHealth, dapat nang palitan; Pres. Ledesma, hindi health-oriented—Sec. Herbosa

Kaugnay nga niyan ay binigyang-diin ni Health Secretary Ted Herbosa ang pangangailangan na ayusin ng PhilHealth ang pagbabayad nito sa mga ospital dahil marami na aniyang nalulugi.

Sinabi rin ni Herbosa ang pangangailangan na baguhin ang buong sistema at management ng PhilHealth.

Ayon sa kalihim, kasama sa dapat palitan ang mga pinuno ng ahensiya.

Aniya kailangan niya ng isang tao na marunong magpatakbo ng PhilHealth na may kaalaman kung paano gumagana ang health economics.

Si PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. aniya kasi ani Herbosa, ay hindi health-oriented at nagmula sa banking industry.

PhilHealth kay Sec. Herbosa: Sana makita rin naman ‘yung mga pagbabago at pagsisikap ng PhilHealth ngayon

Ito naman ang naging sagot ng pamunuan ng PhilHealth sa sinabi ni Health Sec. Herbosa.

“We recognize naman of course and we respect the views especially of the Secretary.”

“But of course, kung makikita po nga ninyo at tulad ng ipinapakita natin ngayon we are aggressively improving our benefits and improving our performance.”

“Sana po makita rin naman ‘yung mga pagbabago at mga pagsisikap ng PhilHealth ngayon,” ayon kay Israel Francis Pargas, Senior Vice President, PhilHealth, Health Finance Policy Sector.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter