WALA pang alas-9 ng umaga ay dinagsa na ng mga tao ang Manila Chinatown o Binondo.
Marami kasi sa kanila, dumayo lang ng Chinatown para bumili ng pampasuwerte para sa Chinese New Year sa Pebrero 10, 2024.
In-adopt na kasi nila ang kultura at paniniwala ng mga Tsinoy tuwing papasok ang Chinese New Year.
Ayon sa mga ito, wala namang mawawala kung maniniwala sila sa suwerte na dala ng mga produkto ng Tsino.
Mabenta ngayon ‘yung mga pigura ng dragon dahil Year of the Wood Dragon sa taong 2024.
Ang ibang mamimili galing pa sa malayong probinsiya.
Filipino-Chinese may kakaibang inihahanda sa mesa para suwertihin sa Chinese New Year
Maliban sa mga pigura at display, mabenta din ang mga iba’t ibang bilog na prutas gaya ng pinya sa Binondo.
Pati ang luya mabenta rin ngayong Year of Wood Dragon.
Ibinahagi naman ng Filipino Chinese na si Denise Chua na maliban sa pagkain at prutas ay hindi rin mawawala sa kanilang mesa ang food basket na may lamang bigas kapag sasapit ang Chinese New Year.
Pag-unlad ng isang tao hindi dapat iasa lang sa pampasuwerte—Chinese store owner
Samantala, naniniwala naman ang Chinese na si Lilian na nasa tao pa rin ang susi para ito’y umunlad sa buhay.
Ang Chinese New Year ay ang pinakasikat na selebrasyon ng mga Chinese.
Ibinabatay ang selebrasyon sa Lunar calendar na may 12 buwan na binubuo ng 28 at 30 araw.
Ang Chinese New Year ay sinisimulan tuwing unang araw ng bagong buwan o new moon pagkatapos ng tag-lamig.
Kaya, natatapat ito mula sa huling linggo ng Enero o kalagitnaan ng Pebrero.