Mga problema ng mga guro sa Bangued North Elementary School, ipinaabot kay VP Sara

Mga problema ng mga guro sa Bangued North Elementary School, ipinaabot kay VP Sara

IPINAABOT ng mga guro ng Bangued North Elementary School ang kanilang mga problema kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Ito ay kasabay ng selebrasyon ng World Teachers’ Day.

Ayon kay VP Duterte na ibinahagi ng mga guro ng nasabing eskwelahan ang mga updates at kanilang mga problema.

Kabilang sa mga ipinarating nila na problema ayon sa pangalawang pangulo ay ang kakulangan ng classrooms at mga kagamitan sa pagtuturo.

Ipinaliwanag naman ni VP Duterte na pinili niyang bisitahin ang probinsya ng Abra sa selebrasyon ngayon para ipakita ang suporta sa kanila matapos silang masalanta ng lindol noong Hulyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter