HUMAKOT ng parangal ang mga programa ng SMNI News Channel sa ginanap na 41st People Choice Excellence 2023 Awards nitong Linggo ng gabi sa Sofitel, Pasay City.
Hindi lamang isa kundi limang programa ang kinilala ng nasabing award giving body.
Dahil sa makabuluhan at makatotohanan na pagbabahagi ng mga impomasyon sa taumbayan, kinilala bilang Outstanding TV Program ang limang programa ng SMNI.
Hindi makakaila na patuloy ang pamamayagpag ng SMNI News Channel.
Kabilang sa pinarangalan ay ang programang Spotlight ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang Outstanding TV Program.
Ang Spotlight ay nangunguna sa paglalahad ng katotohanan hindi lamang sa mga isyung espiritwal maging na rin sa mga isyung panlipunan.
Kinilala rin bilang Outstanding TV Program ang Pulso ng Bayan na tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na mapapanood tuwing umaga.
Pinarangalan din ang Laban Kasama ang Bayan, ang natatanging programa sa Pilipinas na naglalahad ng katotohanan laban sa CPP-NPA-NDF.
Ang Dito sa Bayan ni Juan ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at Mang Jess Aranza ay tumanggap din ng pagkilala bilang Outstanding TV Program.
Binigyan din ng pagkilala ang Pinoy Legal Minds ni Atty. Mark Tolentino na nagbibigay kaalaman at payong legal sa mga taga-panood.
Laking pasasalamat naman ng mga SMNI Anchors sa patuloy na pagtitiwala ng taumbayan sa SMNI.
Hindi rin pinalagpas ng mga ito ang pagkakataon na mapasalamatan si Pastor Apollo dahil sa tiwala at walang sawang suporta na kanilang natanggap mula sa butihing Pastor.
Hindi pa nagtatapos ang unang quarter ng 2023, 14 na parangal na ang natatanggap ng SMNI News mula sa iba’t ibang award giving bodies.