Mga programa para sa mahihirap, dapat pagtibayin – Sen. Poe

Mga programa para sa mahihirap, dapat pagtibayin – Sen. Poe

DAPAT ayusin ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang listahan ng mga benepisyaryo, bilisan at pagbutihin ang pagsasakatuparan sa mga programang para sa mga kababayang mahihirap.

Ito ang panawagan ni Senador Grace Poe kasunod ng mungkahi na itigil na ang mga ayuda kaugnay sa COVID-19.

Ayon sa senadora, sa kabila ng muling pagbubukas ng ekonomiya, patuloy pa ring nakikipagbuno ang mga Pilipino sa epekto ng pandemya at kahirapan.

Iminungkahi rin nito na dapat tapatan ng mas malaking pamumuhunan sa mga programang lilikha ng trabaho, magpapahusay sa mga serbisyong pangkalusugan at magpabubuti sa kalidad ng edukasyon.

Tiyakin din aniya ang maaasahang pagdaloy ng tulong sa mga pinakanangangailangan.

Dahil aniya dito, wala nang magiging balakid sa paghahatid ng sapat na serbisyong panlipunan at mapapagaan ang nararanasang hirap ng mga kababayang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter