Mga provincial bus muling pinayagan ng MMDA na dumaan sa EDSA

Mga provincial bus muling pinayagan ng MMDA na dumaan sa EDSA

MULING pinayagan ni MMDA Chairman Romando Artes ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA simula Disyembre 20-25, mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM.

Habang sa Dec. 26 hanggang Jan. 2 naman ay maaari silang dumaan ng EDSA sa loob ng 24 hours.

Kasunod ito sa pagpupulong ni Artes sa mga provincial bus operator, umaga ng Biyernes.

Ito ay upang maserbisyuhan ng mga provincial bus ang pagdami ng mga pasaherong papunta sa kanilang probinsya ngayong holiday season.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble