Mga pulis, malinaw na nagagamit na sa maruming laro ng politika—former kadre

Mga pulis, malinaw na nagagamit na sa maruming laro ng politika—former kadre

INIHAYAG ngayon ng dating kadre na si Jeffrey Ka-Eric Celiz na nagagamit na sa maruming laro ng politika ang mga pulis. Kaugnay ‘yan sa nangyaring pananakit at pangha-harass ng PNP-SAF at PNP-CIDG sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Dahil dito, hindi maiwasan ng mga kapatid natin na Muslim na matakot na baka gawin din ito sa kanila.

Kinasahan ng baril, umakyat sa mga pader, sinira ang mga gate, nagpakalat ng mga sniper at nanakit ng mga walang kalaban-laban na mga sibilyan, ilan lamang ito sa mga hindi makataong ginawa ng PNP-Special Action Force at PNP-CIDG matapos na sumalakay ang mga ito sa hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi sa limang compound ng religious group na KOJC madaling araw ng Hunyo 10.

Ang resulta sa ginawang pagsalakay? Takot at matinding trauma sa mga KOJC members lalo na sa mga bata.

Ang abuso na ginawa ng PNP nakunan ng video at CCTV footage na naka-upload na ngayon sa social media at libu-libo na ang nakakita kung papaano nilapastangan ng mga nakauniporme ang sagradong lugar ng kongregasyon.

Para sa dating kadre na si Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, malinaw na nilabag ng mga pulis ang karapatang pantao ng mga miyembro ng simbahan.

“Nakikita sa lahat ng video, independent at viral resources of information ang kumakalat ngayon nanakit sila ng mga bata, kababaihan, hindi armadong mga, anong tawag dun? ‘Yun ba ang makatarungan? ‘Yun ba ay rules of procedure? ‘Yun ba ay nasa rules of engagement? ‘Yun ba ay nasa SOP? Mag review nga kayo General Marbil at Col. Jean Fajardo, ‘wag nyong lokohin ang mamamayan, taong bayan po ang humuhusga ngayon sa inyo, nagiging Gestapo Police po kayo kagaya ng Gestapo Police ni Hitler noong World War II,” saad ni Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, Former Cadre.

Aniya, maituturing na karumal-dumal ang ginawa ng mga pulis.

“Ito po ay karumal-dumal at hindi po pinapabayaan na hindi mapuna, karumal-dumal in a sense na that the excessive power of the state have been used to a very independent and very publicly known religious group and community and yet ginamitan ng pangkombat na mga pwersa” dagdag ni Celiz.

Pagkatapos ng insidente nakakapagtaka na agad naglabas ng pahayag ang PNP Police Provincial Office 11 at PNP national headquarters at pinasinungalingan ang mga nangyari.

Ayon sa PRO 11, basic equipment lang ang dala ng mga pulis na lumusob sa bahay sambahan.

“Under established rules of engagement and operational procedures, our police personnel carry BASIC police equipment as part and mandated by our police operational procedures such as but not limited to issued firearms, restraining devices, personal protective equipment, and other accessories required for a particular type of operation being conducted,” saad ng Police Provincial Office 11.

Habang ang PNP headquarters naman sinabing sapat lang ang bilang ng mga pulis at wala umanong nasaktan sa insidente gayong marami ang nasaktan at nagulat sa kanilang ginawa.

“PNP ensured the presence of an appropriate number of officers during the operation to maintain order and prevent any unforeseen incidents. We are pleased to report that the execution of the warrant was conducted without any harm to anyone,” pahayag ng Philippine National Police.

“Malinaw po malinaw pa sa tanghaling tapat sa sinag ng araw na nagsisinungaling ang pamunuan at mga tagapagsalita ng Philippine National Police Special Action dalawang battalion mahigit ay pang-combat, ito po ay, ito po ay ginagamit sa anti-terrorism, ito ay ginagamit sa mga special operations sa mga high level crime operations, ang tanong ang Kingdom of Jesus Christ si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga ministro are they terrorists? So makikita mo overkill over acting at very excessive abusive deployment of state power ang ginamit ng Philippine National Police,” ani Celiz.

Dagdag pa ni Ka-Eric, nakakahiya ang ginawa ng PNP-SAF at PNP CIDG, aniya dahil sa karumal-dumal na ginawa ng mga nakauniporme, dinungisan ng mga ito ang kanilang organisasyon.

Malinaw rin aniya na nagagamit na ngayon ang mga pulis sa maruming laro ng politika.

“Tama, kasi nagpapagamit sila sa maruming laro ng politika, the Philippine National Police, the Armed Forces of the Philippines must remain professional dedicated and true to the commitment under the mandate of the constitutional duty nila and what is that? To defend and protect the state and the people not the politicians kaya naging katawa-tawa ngayon ang labas ng PNP nagsisinungaling bubulid ng mga kung ano-anong mga hungkag na pahayag na hindi naman tumutugma sa ginawa nilang paglapastangan sa karapatan ng mga relihiyosong organisasyon,” ayon pa kay Celiz.

Pananakit at pangha-harass ng mga pulis sa mga miyembro ng KOJC, hindi malabong gawin din sa mga Muslim—Muslim Sector

Samantala, dahil sa ginagawang pang-aabuso ng kasalukuyang administrasyon hindi tuloy maiwasan ng ating mga kapatid na Muslim na matakot.

Sa panayam ng SMNI News kay Nylene Mama, representante ng mga Muslim sinabi nito na kung nagawa ng mga pulis na saktan ang mga walang kalaban-laban na sibilyan at alagad ng Dios ay hindi malabong gawin din sa kanila ito ng mga mapang-abusong nakauniporme.

“Hindi po malabo na gawin sa amin ‘yan, lalo na po ‘yung kay Nur Misuari po na kinampihan nya po si ‘yung tumatakbo pa pong presidente si BBM, kinampanya po ‘yan ni Nur Misuari sa mga Muslim kaya hindi po malabo na mangyayari po ‘yan sa amin,” pahayag ni Nylene Mama, Muslim Sector.

Hindi rin mapigilan ni Nylene na maiyak nang makita niyang nadadamay ang mga inosenteng bata dahil sa ginawa ng mga pulis.

“At tsaka ‘yung nangyari sa Davao doon sa mga walang kamuwang-muwang na mga bata at tsaka ‘yung mga kababaihan po kitang-kita po namin kung gaano po inaano ng mga otoridad na dapat po ang otoridad ay kakampi ng taong bayan pero ang nangyayari po parang sila na po ‘yung nagiging kaayaw imbes na sila po ‘yung kakampi namin,” dagdag ni Mama.

Sa huli, panawagan nila kay Pangulong Bongbong Marcos,

“Pangulong BBM po nakikiusap po kami na kung hindi mo na kayang mamuno sa Pilipinas ay bumaba na po kayo, hindi po kayo nababagay sa lugar na ‘yan,” panawagan ni Mama.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble