Mga pulis na isinailam sa mandatory quarantine, umabot na sa 600

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa mahigit 600 na pulis ang isinailalim sa by batch na mandatory quarantine dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa isang panayam ng SMNI News kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, isinagawa ang nasabing hakbang para masiguro ang kaligtasan ng bawat personnel ng PNP laban sa sakit.

Nilinaw nito na ang naunang batch ng kapulisang isinailalim sa mandatory quarantine ay ligtas umano mula sa COVID-19.

Samantala, ang bagong batch naman na isasailalim sa tests ay ang mga personnel na nakasalamuha ng dalawang pulis na nagpositibo sa virus.

“Doon naman sa bagong nagsimula ng kanilang quarantine ay iyong mga nakasama ng mga nagpositibo nating frontliners. So mandatory kasi iyan ‘pag may nagpositibo talaga, lahat ng nakasama nito sa frontline ay yung kanyang unit ay kailangang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.”

Nilinaw ni Banac na pawang walang travel history sa labas ng bansa ang 2 nagpositibo na pulis at posibleng nakuha ito habang nasa duty.

Isinagawa na ng PNP ang pag-disinfect ng kanilang kagamitan sa opisina maging sa mga sasakyan at naglagay na rin sila ng footbath bilang preventive measure laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.