Mga pulis na nagbigay ng seguridad sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, binati

Mga pulis na nagbigay ng seguridad sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, binati

BINATI ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis sa pangunguna ni Police Regional Office (PRO) 11 regional director Police Brigadier General Benjamin Silo na nagbigay ng seguridad sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City.

Sa isang pahayag ni PNP director for operations Police Major General Valeriano de Leon, sinabi nito na dahil sa pagsisikap ng mga pulis ay walang “untoward incident” na nangyari sa panunumpa ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Naging susi aniya ang maagang paghahanda at pagpapanatiling bukas ng linya ng komunikasyon ng lahat ng stakeholders.

Sinabi ni De Leon na halos parehong security template ang kanilang gagamitin para sa panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa National Museum sa Maynila sa Hunyo 30.

Samantala, hindi bababa sa anim na malalaking TV screen ang inilagay sa Davao City upang ma-decongest ang mga sumaksi sa aktibidad sa San Pedro Square.

Follow SMNI NEWS in Twitter