Mga pulis na nakuhanan umiyak sa pag-aresto kay FPRRD, pawis lang daw—PNP Spox 

Mga pulis na nakuhanan umiyak sa pag-aresto kay FPRRD, pawis lang daw—PNP Spox 

HINDI luha kundi pawis lang daw ang nakita sa mukha ng mga pulis habang nasa gitna ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Villamor Air Base, Pasay City nitong Martes, Marso 11, 2025.

Ito ang paliwanag ni PRO 3 at concurrent spokesperson ng PNP, PBGen. Jean Fajardo, kasunod ng pagkalat ng mga video at larawan na nagpapakita ng tila pag-iyak ng ilang tauhan ng PNP sa naturang operasyon.

Giit ni Fajardo, mainit ang panahon noon, lalo na’t suot ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ang kanilang makapal na uniporme, kaya kinakailangang magpunas ng pawis.

Dagdag pa niya, mataas din ang tensiyon sa pagitan ng mga awtoridad at kampo ni dating Pangulong Duterte habang isinasagawa ang pag-aresto.

Sa kuhang video ni retired General Filmore Escobal, makikita ang isang babaeng SAF member na dalawang beses nagpahid sa mukha, na pinaniniwalaang lumuluha bilang pakikisimpatiya sa noo’y nagsilbing commander-in-chief ng PNP.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

s