Mga pulis na nasaktan sa kilos-protesta sa Maynila noong Bonifacio Day, kinilala ng PNP

Mga pulis na nasaktan sa kilos-protesta sa Maynila noong Bonifacio Day, kinilala ng PNP

KINILALA ng Philippine National Police (PNP) ang anila’y kagitingan at katapangan ng mga pulis na nasugatan at nasaktan sa kasagsagan ng kilos-protesta sa Maynila noong Bonifacio Day.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, sa kabila ng mga panganib na kinahaharap ng mga pulis, hindi napapansin ang mga sakripisyo ng mga ito.

Naipakita pa rin aniya ang propesyunalismo ng mga pulis sa Mendiola Incident at pinairal pa rin ang maximum tolerance sa kabila ng pagiging marahas ng mga demonstrador.

Batay sa datos, 8 ang nasugatan na mga pulis sa insidente.

Gaya aniya ni Bonifacio, dapat lamang ding alalahanin ang mga sakripisyo at kagitingang ipinakita ng mga pulis upang mapanatili lamang ang kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter