Mga pulis na nasawi at nasugatan sa pananambang sa Maguindanao, pinarangalan

Mga pulis na nasawi at nasugatan sa pananambang sa Maguindanao, pinarangalan

BINIGYAN ng parangal nina Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. at PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga pulis na tinambangan sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Maguindanao kahapon.

Iginawad sa nasawing sina Police Lieutenant Reynaldo Samson, chief of police ng Ampatuan Municipal Police Station at Police Corporal Salipuden Talipasan Endab ang Medalya ng Kadakilaan.

Habang iginawad sa nasugatang sina Police Corporal Rogelio Dela Cuesta at Police Corporal Marc Clint Dayaday ang Medalya ng Sugatang Magiting, Medalya ng Kadakilaan.

Nakatanggap din ng Medalya ng Kadakilaan si Police Senior Master Sergeant Reynante Quinalayo.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Roderick Alba, anim na suspek ang natukoy nila sa insidente at kasalukuyang tinutugis ng pulisya.

Kasabay nito, umapela si Alba sa publiko na maging mapagbantay sa paligid at iulat ang sinumang kahina-hinalang indibidwal sa kanilang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter