DADAAN sa masusing imbestigasyon ang mga pulis na sangkot sa umano’y pagpaslang sa Negros Oriental.
Ito ang tiniyak ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, matapos ibunyag ni Atty. Levito Baligod na may ilang pulis ang nagsilbing spotter ng mga suspek sa pagpatay sa lalawigan.
Ayon kay Sermonia, sa sandaling matanggap nila ang listahan ay dadaan ito sa tamang proseso kabilang na ang pag-relieve sa mga pulis.
Nagpapatuloy aniya, ang ginagawang imbestigasyon ng Special Task Force Degamo para matukoy ang mga pulis na posibleng may kinalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 iba pa.
Sinasabing matataas ang ranggo ng mga pulis na sangkot at kasalukuyang nakikita sa lalawigan.