Mga pulis na sangkot sa shabu cover-up, mukhang may malakas na sinasandalan—Sen. Dela Rosa

Mga pulis na sangkot sa shabu cover-up, mukhang may malakas na sinasandalan—Sen. Dela Rosa

MUKHANG malakas ang sinasandalan ng mga pulis na iniimbestigahan hinggil sa shabu cover-up issue ng Philippine National Police (PNP).

Ayon ito kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa panayam ng SMNI News bilang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

Ibinahagi naman ni Dela Rosa na nasira ang plano ng mga sangkot sa cover-up nang tinawagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si PNP chief Rodolfo Azurin, Jr. na dapat makasuhan si Msgt. Rodolfo Mayo.

Nitong May 23, 2023, pito katao ang pinatawan ng contempt order ng komite.

Kabilang dito si Mayo maging sina Lt. Col. Arnulfo Ibanez; Carlos Bayeta; Romer Bugarin; Peter Gular; Hassan Kalaw; at Dennis Carolino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter