Mga pulis sa Cebu, nakaalerto na para sa nalalapit na Sinulog Festival

Mga pulis sa Cebu, nakaalerto na para sa nalalapit na Sinulog Festival

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng Cebu City Police Office para sa seguridad ng mga turista at deboto ng Sinulog Festival na inaasahang dadagsa sa siyudad simula sa susunod na linggo.

Nanatiling alerto ang Philippine National Police (PNP) sa Cebu mula sa nagdaang Pasko at Bagong Taon hanggang sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa nalalapit na Sinulog Festival 2024.

Iba’t ibang mga aktibidad sa selebrasyon ng Sinulog Festival ang babantayan ng mga kapulisan mula sa Opening Salvo, Walk with Jesus Procession, Fluvial Parade, Sinulog sa Kabataan at ang pinaka aabangang Sinulog Grand Showdown.

Sa isang local media forum sa Cebu, sinabi ni PCol. Janette Rafter, Deputy City Director for Operations ng Cebu City Police Office na naka base ang deployment ng mga kapulisan sa iba’t ibang sektor.

“Sa pag-deploy ng ating mga activities sir and ma’am, we are determining it base on the like for example, the length of the route then the magnitude or the gravity sa ating event, so it vary sa ating deployment like with the Walk of Jesus (Procession) we have divided it into four sectors, the fifth sector is the Basilica. We are deploying a total of 409 na mga kapulisan natin for the area,” ayon kay PLt. Col. Janette Rafter, Deputy City Director for Operations, Cebu City Police Office.

May paalala naman ang opisyal sa mga pamilyang dadalo sa mga aktibidad ng Sinulog.

“Let us ensure na ang ating mga bahay, safety from any fire hazard, like for example ‘yung mga gasul, walang mga butane na nakabukas, kung puwede tanggalin. Ang ating mga kuryente, ang ating mga plug dapat matanggal ‘yan. Then when it comes to security, let us also ensure na sarado ang ating mga bahay. Pagsumikapan din natin na may maiiwan sa ating mga pamamahay para may magsusumbong o ‘di kaya pakiusapan ang kapit bahay na tingnan ang iyong bahay dahil ang buong pamilya ay sumama sa prosesyon,” dagdag ni Rafter.

Tuluy-tuloy naman ang pagtatrabaho ng mga kawani ng Cebu City Government at Provincial Government ng Cebu sa dalawang malalaking venue na pagdadausan ng Sinulog sa Kabataan sa Abella Sports Complex ngayong Linggo, Enero 14 at ang grand showdown ng Sinulog Festival 2024 sa South Road Properties sa Enero 21, 2024.

Binigyang-linaw naman ni Cebu City Mayor Mike Rama na hindi magpapatupad ng signal shutdown o pansamantalang pagsara ng signal ng telekomunikasyon ang siyudad partikular sa South Road Properties kung saan gaganapin ang pinaka highlight ng aktibidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter