MAKATATANGGAP ng COVID hazard pay ang mga pulis na frontliner sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Joselito Vera Cruz, nagkakahalaga ng 500 piso kada araw ang COVID hazard pay ng mga pulis.
Pero para lamang aniya ito sa mga pulis na naka-deploy sa quarantine control points at hindi para sa mga pulis na nagre-report sa mga opisina.
Bahagi ng collateral allowance ng mga pulis ang COVID hazard pay.
Tiniyak naman ni Vera Cruz na tinututukan ng PNP health service ang mga pangangailangan ng mga pulis lalo na ang mga nagkakasakit sa panahon ng pandemya.
Mga pulis, pinaalalahanan ni Eleazar na sundin lang ang mga panuntunan sa pag-aresto ngayong ECQ
Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang kanyang mga tauhan na mahigpit na sundin ang mga panuntunan at procedures sa pag-aresto sa mga lumalabag sa quarantine at health protocols.
Inisyu ni Eleazar ang paalala kasunod ng panawagan ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga law enforcer na sundin ang mga protocol sa pag-aresto lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.
Tiniyak ng PNP Chief sa publiko na laging susundin ng mga pulis ang rule of law sa pag-aresto at pagsita sa mga lumalabag.
Noong Hunyo, nilagdaan ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang internal guidelines para sa mga law enforcer at mga ahensya ng gobyerno sa paghawak ng mga kaso ng paglabag sa health protocols sa gitna ng community quarantine.
Siniguro ng PNP Chief na agad pananagutin ng ahensya ang mga pulis na magmamalabis o aabuso sa pagpapatupad ng guidelines.