NAHUBARAN ang mga scalawag na pulis kasunod ng pagkakahuli ng 6.7 bilyon pisong halaga ng shabu sa Maynila noong nakaraang taon.
Ayon kay outgoing PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na sa 990kg shabu bust nag-umpisa ang tunay na laban ng PNP kontra iligal na droga.
Aniya, dito nakilala kung sinu-sinong opisyal ng PNP na nasasangkot sa iligal na droga.
Sa katunayan, itinuturin ding bagong mukha ng kampanya laban sa iligal na droga ng PNP ang dating direktor ng PNP-Drug Enforcement Group na si PBGen. Narciso Domingo matapos nitong pangunahan ang operasyon laban kay PMSgt. Rodolfo Mayo Jr., na nag-iingat sa nasabing malaking bulto ng iligal na droga.
Nauna nang pinag leave of absence si Domingo matapos pangalanan ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. ang 11 matataas na opisyal ng PNP na sinasabing kasabwat ni Mayo.