Mga puno ng mangrove sa Palawan na ilegal na pinutol, nadiskubre ng PCG

Mga puno ng mangrove sa Palawan na ilegal na pinutol, nadiskubre ng PCG

NADISKUBRE ng Coast Guard Station Western Palawan sa pamamagitan ng ginawang joint law enforcement operation ang illegal logging activity sa Sitio Marirong, Brgy. Suwangan, Quezon, Palawan.

Sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bantay Dagat, PNP Maritime Group, at ng barangay officials ng nasabing lugar, narekober ang nasa humigit-kumulang 15 cubic meters na puno ng mangrove na ilegal na pinutol.

Kaugnay rito wala silang nahuling suspek matapos ang operasyon.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang masusing operasyon ng DENR Quezon upang mahuli ang mga nasa likod ng illegal logging sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble