NAGPAABOT ng pagbati ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna Pangan sa lahat ng mga Persons with Disabilities (PWD) ng lungsod dahil nabigyan sila ng trabaho at pumirma na ng kanilang employment contract at sumailalim na sa kanilang orientation sa inaplayan trabaho.
Nagpapasalamat din ang butihing alkalde sa pamunuan ng Jollibee Food Corporation dahil sa kanilang walang sawang suporta sa programa ng Maynila na ‘Trabaho para sa Persons with Disability’.
Ayon kay Mayor Lacuna-Pangan, ang programang trabaho sa mga may kapansanan sa lungsod ng Maynila ay magpapatuloy at magsasawa sa kanila sa mga nais magtrabaho.