Mga rebelde noon, empleyado na ngayon sa Cagayan Valley

Mga rebelde noon, empleyado na ngayon sa Cagayan Valley

PINAGKALOOBAN ng trabaho ng lokal na pamahalaan ng probinsiya ang nasa 17 dating rebelde sa Cagayan Valley.

Ang dating kalaban ng pamahalaan, ngayon ay kasama na ng gobyerno.

Sa katunayan, nagsisilbi sila ngayon bilang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng probinsiya ng Cagayan Valley.

Ayon kay Cagayan Valley Governor Manuel Namba, hindi nito isinantabi ang kakulangan at naging pagkakamali ng mga dating rebelde kundi hangad nito ang magandang kinabukasan para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon sa datos ng probinsiya, nasa 17 dating rebelde ang tinanggap ng probinsiya sa kanilang hanay para maging bahagi ng lokal na probinsiya mula sa iba’t ibang larangan gaya ng agrikultura, medikal at iba pang opisina.

Bukod sa trabaho, nakahanda rin ang probinsiya na magkaloob ng assistance sa mga pamilya nito lalo na sa mga anak ng mga dating rebelde bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

Sa huli, iginiit ng probinsiya na walang maiiwan sa kanila hangga’t may maitutulong sa pag-unlad ng bawat isa, kapalit ang pagsisikap ng bawat oportunidad na ipinagkakaloob sa kanila.

Sa huli, inilalapit din sila sa Diyos sa pamamagitan ng Spiritual Enhancement Programs para sa tuloy-tuloy na pagbabagong buhay.

BASAHIN: Pagwawakas ng CPP-NPA-NDF sa bansa, nalalapit na – Ka Eric

Follow SMNI NEWS in Twitter