HINIMOK ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang mga rebeldeng grupo na samantalahin ang pagkatatag ng National Amnesty Commission program ng pamahalaan.
Paghikayat pa ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, Jr. sa mga rebeldeng grupo, mag-aplay sa amnesty program na inalok ng pamahalaan.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagtatatag ng komisyon na siyang tututok sa aplikasyong ng amnesty ng mga rebelde at ilang indibidwal.
Kabilang naman sa mga rebeldeng grupong maaaring mag-aplay sa amnestiya ay ang: Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front, Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front, Cordillera Bodong Administration – Cordillera People’s Liberation Arm, at iba pa.
Dagdag pa ni Galvez kabilang sa amnestiyang rerebyuhin ng komisyon ay mula sa mga miyembro ng mga nabanggit na rebeldeng grupo.
Inihayag ng OPAPP na bahagi ang naturang amnestiya ng Normalization Track of the Comprehensive Agreement sa Bangsamoro kasama ang MILF.
Umapela naman ang opapp na magbigay ng kanilang rekomendasyon at sukatan ang mga conflict resolution platform para sa pagkakaloob ng pamahalaan ng amenstiya sa mga rebelde.