Mga reservist ng PA, nakipagsabayan sa mga sundalo na tulungan ang apektado ng Bagyong Karding

Mga reservist ng PA, nakipagsabayan sa mga sundalo na tulungan ang apektado ng Bagyong Karding

WALANG pagdadalawang isip na sumabak sa gitna ng bagyo ang mga reservist mula sa 203rd Ready Reserve Infantry Battalion ng Philippine Army katuwang ang PNP at MDRRMO sa paglikas ng mga residenteng nasa loob ng disaster prone area.

Kabilang sa mga lugar na tinulungan ng mga reservist ng PA ay ang mga residente na naninirahan sa tabing dagat ng Zambales, Quezon at iba pang lugar sa Central Luzon.

Kung titignan ang Bagyong Karding ang pinakamalakas na tumama na bagyo sa taong kasalukuyan, na nagdulot ng matinding problema sa mga tinamaan nito, maraming puno rin ang bumagsak sa mga kalsada na nagdulot ng pagkaantala sa muling pagsasaayos ng lugar.

Habang ang mga kawani ng gobyerno ay patuloy ring nagsasagawa ng rescue at relief efforts sa mga nabanggit na lugar.

Pinuri naman ng Commanding General ng Philippine Army na si Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr. ang Army troops at mga reservist sa pakikipagtulungan ng mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Karding.

Follow SMNI NEWS in Twitter