IPINANAWAGAN pa rin ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga residente na malapit sa Bulkang Kanlaon ang paglikas sa lugar dahil sa patuloy na lahar buildup.
Ito’y dahil sa kanilang ulat, marami ang nananatiling tumatanggi na lisanin ang kanilang mga bahay lalong-lalo na ang mga indigenous people sa Western Visayas at Eastern Visayas.
Hanggang nitong Linggo, Disyembre 15, nasa three million cubic meters na ang lahar buildup.
Itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng lahar ay ang kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas dulot ng amihan.
Kung mahahalo ang tubig-ulan at volcanic materials, nabubuo ang lahar na isang volcanic mudflow.