Mga residente ng Albay, lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine at Pepito

Mga residente ng Albay, lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine at Pepito

NAGTULUNG-tulong ang ilang kalalakihan sa Brgy. Lourdes, Tiwi, Albay na maisalba ang kanilang mga motorsiklo nitong nakaraang linggo.

Kasunod iyan ng mabilis na pagbaha sa kanilang lugar dulot ng storm swell o alon mula sa dagat dahil sa Super Typhoon Pepito.

Pero, hindi lang pagbaha o posibleng storm surge o daluyong ang pinangangambahan sa Albay tuwing may bagyo.

Kundi pati na rin ang posibleng lahar flow mula sa Bulkang Mayon.

Bago pa nga manalasa ang Bagyong Pepito, una nang humagupit ang Bagyong Kristine sa Albay.

Ilang mga bahay at sasakyan sa Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay ay nalubog sa lahar dulot ng malakas na ulan at pagbaha.

Matatandaan naman na noong taong 2006 hindi rin nakaligtas ang Albay sa hagupit ng Bagyong Reming kung saan hindi bababa sa 1,500 katao ang naiulat na nasawi o nawawala sa lungsod ng Legazpi lamang.

Dahil dito, naging malinaw ang pangangailangan ng pangmatagalang solusyon upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan.

Ang pagtatanim ng puno ang isa sa naging tugon ng mga lokal na pamahalaan sa Albay upang maprotektahan ang mga komunidad laban sa kaparehong sakuna.

Isa sa lugar na kanilang pinagtutuunan ng pansin para tamnan ng mga puno ay ang Mt. Mayon Natural Park.

“Alam po natin na ang Pilipinas ay isa sa mga typhoon belt area once na lumaki po ang kahoy, na mga itinatanim na mga kahoy nagsisilbi ‘yung buffer wind breaks pangontra sa lakas ng hangin,” pahayag ni Joel Perillo, Protected Area Superintendent, Mt. Mayon Natural Park.

“Windbreaks po talaga siya ‘pag tumama ang bagyo diyan sigurado po na sa sususnod na humihina na yung strength niya because talagang nababasag niya ‘yung hangin,” dagdag ni Perillo.

One Tree, One Nation Initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isinagawa sa Mt. Mayon Natural Park

Hindi nag-iisa ang mga taga-Albay sa kanilang hangarin para sa isang luntian at ligtas na komunidad. Kasama nila ang spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy na kilala rin na isang environmentalist.

Dito nga sa paanan ng Mt. Mayon, daan-daang volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang nagtanim mga seedlings ng narra at dangkalan bilang pakikiisa sa One Tree, One Nation initiative ni Pastor Apollo.

“Kung magkakaroon tayo ng chance na magtanim ng punong kahoy, mas maganda na magtanim tayo ng punong kahoy.”

“Apektado tayong lahat when it comes to climate change. ‘Yung malalakas na bagyo na iyan cause iyan ng climate change. Walang pinipili. Walang mahirap, walang mayaman. Lahat tayo apektado,” ani Perillo.

Para sa Brgy. Lidong na isa sa mga lugar na sakop ng Mt. Mayon Natural Park mahalaga ang ganitong inisyatiba ng Butihing Pastor.

“Malaking tulong po ito sa amin dahil ito pong protected area kailangan po mataniman ng maraming. Ngayon po, lagi naman kami nagte-tree planting pero kaso nga ho malawak kaya kulang pa po kaya malaking tulong ito sa amin,” saad ni Chairman Lany Anoñuevo, Brgy. Lidong, Sto. Domingo, Albay.

Kabilang sa mga nakiisa sa One Tree, One Nation ay ang mga kabataan ng Keepers Club International at mga estudyante ng Sto. Domingo Community College.

Nagpapaaalamat po ako sa aming mahal na Pastor na sa murang edad po na kagaya namin natutunan po namin kung paano pahalagahan ang ating Inang Kalikasan,” ayon kay Jackie Yanto, Volunteer, Keepers Club International.

“Hindi lamang tayo na nabubuhay sa kasalukuyan kundi ang mga susunod na henerasyon ang magiging recipient ng ating activity na isinagawa na ito,” ani Yanto.

Hindi naman alintana ng ilang magulang at senior citizen ang matinding sikat ng araw makatulong lang sa kalikasan.

Kung hindi tayo magtatanim, kailan pa tayo magtatanim? Kailan pa tayo makakatulong na masolve ‘yung problema sa climate change like yung baha?”

Kailan pa tayo magtatanim? Ano ang mangyayari sa hinaharap natin kung walang mga kahoy?” saad ni Amy Escarta, Volunteer, Sonshine Philippines Movement.

 Pinapahalagahan naman ng mga taga-bantay ng Mt. Mayon Natural Park ang kontribusyon ng SPM na anila ay nakatutulong sa pagkakaroon ng balanseng ekolohiya ng lugar na tahanan anila ng maraming endemic species.

“Katulad ng mga ibon po may mga natitirhan po sila. Kasi ang mga hayop nauubos na po, kapag may mga kahoy po, may matitirhan po sila,” ayon kay Manalito Aga, Park Ranger, Mt. Mayon Natural Park.

Pero alam mo ba na hindi lang ngayon nagsimula ang mga programa at proyekto ni Pastor Apollo para pangalagaan ang kalikasan?

Magdadalawang dekada na mula nang maitatag ng butihing Pastor ang SPM.

Isa nga sa Exhibit A ni Pastor Apollo ang Glory Mountain sa paanan ng Mt. Apo sa Brgy. Tamayong sa Davao City kung saan libu-libong pine trees na ang naitanim.

Kung tayo ay magtutulungan mga kaibigan, mga kapatid, tayo po ay magkakaisa, at susunod po tayo, gagawin po nating example itong lahat ng ginagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy, hindi po imposible na makamit po natin ‘yung hinahangad na pagbabago ng ating kalikasan at ng ating bansa patungo sa kaunlaran,” pahayag ni Alex Hoyos, Representative, Sonshine Philippines Movement, Albay.

Target din ni Pastor Apollo na ma-enhance ang urban green spaces sa Pilipinas bilang isang future senator.

Sa ilalim ito ng pinaplano ng butihing Pastor na ‘Greening and Beautification Project’ bill.

Kasama rin sa isusulong ni Pastor Apollo ang pagtatanim ng mga bulaklak sa mga bulubunduking lugar sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter